Sen. Leila M. de Lima’s statement of sympathy on the Iloilo-Guimaras Strait Tragedy

I join in the collective mourning for the deaths from the tragedy in the Iloilo-Guimaras Strait last Aug. 3. This heartbreaking incident has claimed at least 31 lives, including eight teachers and a child. I convey my sincerest condolences and prayers for the victims and their families and loved ones.

Talaga pong nakalulungkot at nakapanlulumo ang ganitong mga trahedya na humantong sa mga buhay na nasawi at mga pangarap na naglaho. Wala man pong may gustong mangyari ito, maaari sigurong naiwasan ito sa pamamagitan ng ibayong pag-iingat at pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng mga pasahero.

In a country such as ours which is frequented by typhoons, it is incumbent upon all of us to address the hazards and threats posed by weather disturbances, especially with regards to the safety of our countrymen.

We cannot sit idly by and just hope that this kind of tragedy will not happen again. Kaya naman nananawagan tayo sa mga awtoridad at kaukulang ahensya na magkaroon ng masusing imbestigasyon sa pangyayaring ito, upang matukoy kung mayroon bang naging pagkukulang at kapabayaan.

Hangad po natin na matugunan ang agarang pangangailangan ng mga biktima at ng kanilang pamilya, at mailatag ang mas epektibong panuntunan para sa ligtas na paglalakbay ng ating mga kababayan. ###

Source: Senate of the Philippines