TRANSCRIPT – AMBUSH INTERVIEW

SJVE: Narinig natin both sides, yung mga doctors sabi nila sa present set up na puwede namang ma-obtain compassionately kaya lang medyo mahal kung saka-sakali kasi nga ang requirement kailangang registered doon. Ang sinasabi naman dito sa kabilang side, and I really feel for those who are really suffering lalo na yung mga anak pag nagse-seizure. ito yung mga kinakailangan nating gawin na while we are still hearing this controversial measure dapat yung mga present na nangangailangan dapat tulungan din ng DDB at ng FDA na makakuha na out of compassion. Sana kung mapadali ang proseso mas maganda.

Q: Kailangan pa ng law o amend na lang?

SJVE: Probably yan ang ating tinitingan. Titimbangin natin kung kinakailangan pa natin ng panibagong batas, bagong law or present laws baka probably baka amendment na lang or magkaroon ng lang tayo ng konting amendment dun sa DBB, FDA rules and commissions to make it accessible to those who are really suffering.

Q: Timeline?

SJVE: Probably we have one more hearing, siguro tingnan na lang natin. Ang problema hindi ko masagot dahil we are on break but we do our best to have one more hearing. Hindi naman siguro kailangang madalian, all I can ask is for FDA, DDB, yung mga presently nangangailangan, for those who are suffering na mabigyan sila ng access while we are deliberating it.

Q: Inaudible

SJVE: Baka puwedeng i-adjust lang kasi sabi nila we don't need another law kaya lang sa kabilang side ano raw mahirap, prohibited, mahal masyado kasi nga we have to get it from the United States. We have to weigh this. Sa akin lang, controversial as it may seem itong medical marijuana but if it will alleviate the pain and prolong lives, kung ang suffering ay ma-alleviate eh why not, ako I'm open. Ang concern naman natin, marelieve yung nagsa-suffer o ma-prolong the life, why not. Sa ngayon tingnan natin, if it will be more accessible why not di b a. Ayaw naman nating magmadali baka mamaya maabuso. Very much concern ni SP SP Sotto sa substance abuse, baka mamaya makakakita ng loophole baka maabuso, valid naman concern ni SP Sotto.

Source: Senate of the Philippines