Transcript – Debate 2019: GMA Senatorial Face-Off

Jessica Soho question on political dynasty

SJVE: Totoo po yun na ako ay beneficiary ng political dynasty ngunit noon na umabot sa 100 milyon ang ating populasyon ang nasabi ko sa sarili ko marami ding gustong maglingkod na walang pangalan at walang mekanismo.

In fact sa Sangguniang Reform Law, which I am one of the principal authors, this is the first time that the anti-political dynasty provision will be applied into the law. Ako po ang nag-introduced niyan.

Ito pong sa present situation ngayon, kaya nga po ako ay umalis sa partido namin sa dahilang hindi po ako sang-ayon na dalawa po kaming magkapatid na tumakbo bilang senador. Dalawangput apat lang po ang senador. Kinakailangan po kami'y tumakbo upang maging kinatawan ng taumbayan at hindi po ng pamilya. Yan po ang dahilan kung bakit hindi nagkakaintindihan sa ngayon.

May pananagutan ako sa pamilya pero ako po ay may pananagutan sa taumbayan.

Follow-up question of Jessica Soho: Ano ang dapat definition ng political dynasty?

Sa aking palagay, meron din namang kasing mga political dynasty na hindi naman lahat masama, kaya lang pero limitahan po natin, siguro up to sa second degree, as stated also in the anti-political dynasty provision, kumbaga hanggang sa second degree ay ipagbabawal na kasi kawawa naman kung meron namang kamag-anak ikaw na may kakayanan, so ang sa akin siguro up to second degree.

Gutoc question to SJVE: Paano bilang senador, ma-address ang dynasty, ano ang recommendation mo sa Comelec para ma-level ang playing field?

SJVE: Ang sa akin sana magkaroon talaga ng limit, ma-enforce ang tunay na limit ng sa ganoon ang bawat kandidato, lalo na iyong hindi mga kilala magkaroon ng pagkakataon na sila din ay makilala ng taumbayan, hindi lang para sa mga bilyonaryo.

Tapatan SJVE vs Mel Chavez: Pabor ka bang babaan ang kasalukuyang edad ng minimum age ng criminal liability sa bansa?

Ako'y naniniwala na ang juvenile justice act ay maganda ang intensiyon proteksiyon ng minors, proteksiyon ng bata. Sa aking experience bilang dating mayor, napansin ko na ito ay used, abused, at ginamit ng mga kriminal at minsan ng kanilang mga magulang mismo.

Kaya ako ay naniniwala na dapat nating buksan ang usapin. Ang international standard, ay average ay 11 to 12 sa minimum age of responsibility. Ang sa akin, pag-aralan po natin. But age 9 is too low, masyado hong bata yan, meron akong anak na bata.

Sa akin ang dapat ay harsher penalties d'un sa mga adult, sa mga magulang..., sa mga kriminal na gumagamit sa mga bata.

Chavez to SJVE: Anong pananaw mo sa ating magulang nagmamahal at mga titse na nagmamahal sa ating mga kabataan?

Sa kasong ito, ang mga bata ay biktima rin kaya ako talaga mas pabor na bigyan ng harsher penalties, mas matinding kaparusahan ang mga magulang, ang mga kriminal na gumagamit sa bata para sa kanilang illegal activities. Ako one level higher or even reclusion perpetua nang sa ganun matigil na ang paggamit ng mga kriminal sa ating mga kabataan sa kanilang criminal activities.

Source: Senate of the Philippines