Win transcript ambush interview on excise tax on tobacco and SALN restrictions

Q: Sir, papaano po ba yung earmarking?

SEN WIN: Well, makikita natin na kapag nagtaas tayo ng excise tax sa sigarilyo, ang isang consequence niyan ay lalaki din ang smuggling na papasok sa ating bansa so imbes na bumaba yung mga naninigarilyo, bibili sila ngayon ng mga smuggled na sigarilyo dahil hindi nagbabayad ng sin tax yun. Isa sa mga pinag-iisipan natin ngayon ay mag-earmark na so ibig sabihin lahat ng na-collect ng pamahalaan, mag-earmark na tayo ng mga 1-2 billion para labanan ang smuggling kung hindi ay sayang naman kung tataasan natin ang sin tax pero hindi mababawasan ang mga naninigarilyo dahil bumibili sila ng smuggled na sigarilyo. So importante rin dito ang enforcement at dapat may pera at pondo na pang enforce.

Q: Anong basis nung computation na yun?

SEN WIN: Kanina, I was trying to extract kung magkano ang ina-allocate nila sa paglaban sa smuggling at hindi sila makapagbigay ng figure. So ang ginawa ko na lang ay minultiply ko by 10 kasi kung ang itataas natin ay doble, dapat ang panlaban nila sa smuggling ay hindi bababa sa x10.

Q: Saan po galing yung funding? Yung i-earmark para doon?

SEN WIN: Ang projected collection base dito sa mga proposal sa sin tax is about 40-45 billion so kukuha lang tayo ng 2 billion doon sa 45 para gamitin sa paglaban kontra sa smuggling.

Q: Sir, na-fix na po ba kung going 60 or 90 yung per pack ng cigarette?

SEN WIN: Ang optimum level na sinasabi ng DOF ay 73 pesos, ibig sabihin, at this level ay makakakolekta sila ng pinakamataas at ang demand ay dahan-dahang bababa so yun ang nakikita nilang optimum level. Ang aking proposal ay 70 pesos.

Q: Yung 2 billion po ba na sinasabi niyong earmark Sir, would that be enough to sustain the implementation of the Universal Health Care?

SEN WIN: Yung 2 billion, panlaban lang yun ng smuggling.

Q: Ano po yung emerging consensus ngayon?

SEN WIN: I think maglalaro siya between 60-73 pesos more or less. Ang gusto din natin ay ang pagbaba ng demand ay gradual, hindi yung abrupt, so kapag nagtaas ka ng sin tax, ang consequence ay papasok din ang smuggling eh so dapat pag-aralan natin ng mabuti yung paglaban sa smuggling. Yun ang dapat nating alamin sa hearing kung paano labanan ang smuggling.

Q: So, 9% pa din po ang annual increase?

SEN WIN: Yes, 9% pa din. Pare-pareho ang proposal ng mga Senators sa annual increase. Kanina it was disclosed na wala rin silang pondo sa paglaban sa smuggling, kinukuha nila ang pondo sa existing funds nila so ang proposal dito, with the 2 billion dapat magkaroon ng dedicated team, a task force to fight smuggling, maglagay ng warehouse, maglagay din ng lugar para sa pagsira ng mga na confiscated na sigarilyo at i-regulate ang mga pumapasok na makina sa paggawa ng sigarilyo because with just 40 million pesos, pwede ka nang bumili ng makina ng sigarilyo at yun ang hindi natin nare-regulate. In other words, lalagyan natin ng pondo para lumaki yung team na lumalaban sa smuggling.

Q: How much additional revenues are we expecting to generate if we are able to get rid of smuggling?

SEN WIN: According doon sa research ng mga tobacco companies, 17 billion ang nawala in 2017 based on the estimates of the Tobacco Research Institute. We want to get naman the research of Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) to be more official but more or less, estimate nila ay 17 billion ang nawala in terms or revenue.

Q: That would be recovered?

SEN WIN: with the right enforcement dapat ma-recover yan dahil yan yung nawala satin eh. 17 billion yung nawawala sa ating kaban in terms of revenue.

SALN RESTRICTIONS

Q: May pinasang resolution po tungkol sa pagre-restrict sa issuance ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN), how do you look at this Sir?

SEN WIN: In my opinion, we have to make it easier to the person who is requesting the SALN because it is part of our culture to be transparent, kung may transparency, ang mga public officials ay magkakaroon accountability rin sa tao so dapat gawin nating simple, mas mabilis, at mas transparent ang proseso. We also need to balance yung mga nagre-request na ginagamit yun sa pangha-harrass. So pwede naman tayong maglagay ng safeguards. For example, kung sino yung mga magre-request, dapat legitimate na mga enterprise or legitimate personalities pero dapat mabilis. From my interpretation of the reso, dadaan pa sa plenaryoeh kung dadaan pa dun, alam naman nating ang tagal-tagal bago lumabas. In effect, parang ayaw mo na ding magbigay so the process should be transparent, it has to be easy, at dapat mabilis makuha yung official document. May processing fee but it should be reasonable wag yung prohibitive kasi kung mataas naman, 300 pesos per document, eh talagang mahal kung 300 ba naman ang Congressman. So it has to be reasonable to cover the processing fee.

Q: Kung mabilis dapat yung pag-release, meaning dapat yung buong document? Kasi parang sabi selected information lang yung ilalabas?

SEN WIN: Buong dokumento pwede kasi parte yan ng ating transparency process so kung wala ka namang tinatago, kung lahat naman ay legitimate yung pinanggagalingan ng income mo, tingin ko pwedeng ilabas kung ano ang nakasulat at dineclare mo. Once you declare it, it becomes a public document.

Q: Reasonable ba yung 300 pesos?

SEN WIN: In my opinion, pag finile mo ito, ii-scan lang then i-print sa bond paper, paper at printing lang ang cost. 300 might be high because if you walk through the process, kapag finile mo yan, i-scan lang at ilalagay na sa database then print na lang yan. I don't think kakalkalin at hahanapin talaga yan. So the manpower spent on printing is not too much.

Q: yung SALN, yung existing policy dito sa Senate yun yung ideal na hindi na dapat baguhin?

SEN WIN: pinagusapan namin yung policy na yun and that's compliant to the policy of the Supreme Court (SC). Here in the Senate we patterned our policy with the Supreme Court's policy. We want to make sure yung policy natin dito ay legal at dapat nag cocomply rin sa ibang mga ahensya.

... kapag hindi pumayag sa committee pupunta na sa plenayro, papatawag ka dun tapos pag dedebatehan nila. So bakit pag dedebatehan pa ng Congressmen ang simpleng request na 300 pesos? Like ako, when I filed my SALN alam ko this is a public document, it is meant to be shared to the public, it is meant to be transparent, so handa na ko ipakita yan sa lahat. Ako naman dinedeclare ko lahat ng mga income sources ko and assests ko kasi alam ko ilalabas yunthat is accountability, pag alam mo itatago yan, pahirapan pa yung pagkuha, eh bakit pa ko mag dedeclare ng tama edi pwedeng doktorin ko na lang yan diba?

I think all public servants should be ready to be transparent about their SALN, walang bawas walang kulang because that will force us to declare all of our legitimate income.

Q: Sa Senate sir that will never happen?

SEN WIN: yung sa Senate noong pinagusapan namin dito we modeled our version from the SCs version dahil yung SC will ultimately decide whether the process is compliant to the SALN law or not. Since alam nila yung SALN law sabi namin mas maganda na iparehas na lang namin yung proseso namin sa kanila. So if you look at the SC process and the Senate process, similar siya.

Q: meron Senador na ayaw? Simple request lang sa Senate?

SEN WIN: wala naman, simple request lang actually, pwede mo nga bayaran yung paper or magdala ka ng sariling paper. The point here is it's sa simple process, hindi na dadaan sa plenaryo, malaking bagay yung plenaryo alam mo naman pag dumaan sa plenaryo ang tagal.

Q: how would you call yung sa house? Kalokohan?

SEN WIN: I think it goes against the spirit of transparency and yan ang ayaw natin. Ngayon, pinaguusapan natin insertions, budget, pork barrel tapos sasabihin mo pahihirapan namin kayo kumuha ng SALN? para hindi naman ata tama yun. I think it has to be simple, the process needs to be clear and transparent. Yun naman yung principle nito eh but then again pag kandidato ka dapat handa ka makita lahat ng assets and income sources mo through your SALN, that should be a standard na to all politikos.

Q: kung reso sila hindi na ba kailangan ng counter-reso?

SEN WIN: hindi na, internal rules na nila yan eh kapag naging House rules yan magiging permanent yan, in the lower house, sa Senate wala. Ang mangyayari niyan mag fifile ng resolution then the body will adopt it and that forms part of their process.

Q: but will the resolution stay or until the leadership lapses?

SEN WIN: the leadership can change it for example, bagong speaker pwedeng palitan but again hindi ko naiintindihan bakit papasok pa sa plenaryo? tapos may processpa ang plenaryo na papatawag pa daw yung nanghihingi, kwekwestyunin nilathe whole process magtatagal, paano kung 300 ang magtatanong? Edi tapos ka na?

...It's not so clear but my understanding is kapag nirequest yung akin tapos pumayag yung committee the plenary will decide, but the plenary they have a due process na magpatawag, so they will be susceptible to everything lalo na ngayon na pinaguuspaan yung budget and ang daming accusations flying from here and there. So we should really demonstrate practicing transparency.

Q: bakit dito walang ganun?

SEN WIN: Actually nag-usap kami dito and the common consensus was to follow the SC process. Alam ni Sec. Gen yan in fact siya ang nag propose niyan, wala naman nag object.

Q: sir 300 pesos yung sa House?

SEN WIN: Iniisip ko nga bakit 300 pesos, it has to be more reasonable naman kasi normally nasa computer lang yan and every year naman meron yan so dapat mas reasonable ang processing fee.

Source: Senate of the Philippines