Opening Statement of Sen. Bong Go

SBG:

Thank you, Mr. Chair.

Magandang hapon po sa lahat!

Alam naman po nating lahat na nababalot ngayon ng kontrobersiya ang PhilHealth. Napakaraming alegasyon tungkol sa maling paggamit ng pondo, na dapat ay para sa nangangailangan.

Hindi ito bago. Hindi ito ang unang pagkakataon na nasasangkot ang PhilHealth. Pero kung noon ay nakakalusot kayo, ngayon hindi na. Ngayon sisiguraduhin ko na mananagot ang kailangan managot. Kakasuhan ang dapat kasuhan at makukulong ang dapat na makulong.

Noon, pag may gagawing imbestigasyon, wala pa pong nangyayari. Walang resulta dahil nagtuturuan lang ang mga sangkot. Napakaraming rason, wala namang solusyon. Sawang-sawa na ang sambayanang Pilipino sa mga problemang tulad nito. Kahit na po ang ating Pangulo ay talagang exasperated na po sa korapsyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno. Sana po ay tulungan po natin si Pangulong Duterte.

Habang patuloy tayong nagsisikap na mapabuti ang kalagayan at kalusugan ng ating mga kababayan, may mga tao na sumisira sa ating mga pinaghihirapan.

Inuulit ko - pera ng taumbayan ang pondo ng PhilHealth. Galing 'yan sa mga taong nagpapakahirap sa trabaho at umaasang mabigyan nang maayos na serbisyo kapag sila ay nagkakasakit. Ang pera ng PhilHealth members ay dapat ibalik sa kanila. Pera ng mga maysakit, ninanakaw pa ng iilan. Araw-araw daan-daang libong kababayan natin ang nakaratay sa ospital at nasa bingit ng kamatayan at sila ay umaasa sa PhilHealth, tapos kayo ninanakaw n'yo lang.

Uulitin ko, mananagot ang dapat managot. Tatanggalin ang mga dapat tanggalin. Kasuhan ang mga dapat kasuhan. Ikulong ang dapat ikulong.

Humihingi ako ng tulong sa mismong Chairman ng Commission on Audit. Sir, thank you for coming, Chairman Aguinaldo. I urge you to conduct a special audit and submit your findings to the Ombudsman. Gumawa po kayo ng audit para malaman natin kung sino ang mga salarin. As Filipinos, iisa lang po tayo sa pagsugpo ng graft and corruption.

The Presidential Anti-Corruption Commission and the National Bureau of Investigation are here. Please get to the bottom of this mess. Wag kayong mahihiyang sabihin kung sino talaga ang mga nasa likod ng kalokohan na ito. Kahit sino pa ang taong ito, karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan.

Narito ang Department of Justice - kasuhan ninyo ang mga dapat kasuhan. No one is above the law.

Finally, I challenge the leadership of General Morales. Sir, I know you are a man of integrity, bilang ikaw ang napili ng mahal na Pangulo. We trust that you will be able to weed out corruption and the corrupt officials and employees in the agency.

Malaki ang responsibilidad na nakasalalay sa'yo especially with the implementation of the Universal Health Care. Napakalaki po ng pondo na nasa inyong mga kamay. Kung gusto natin nang maayos na health care, kailangan nating maayos ang PhilHealth. Heads already rolled, do not wait for the bodies to sprawl.

Thank you, Mr. Chair.

Source: Senate of the Philippines